Posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Samahang Industriya ng Magsasaka Chairman Rosendo So, maaaring sa nasabing mga buwan ng pa magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas.
Sa kasalukuyan, sumipa na sa P40 kada kilo kung saan ito na ang pinakamurang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Samantala, simula ngayong araw ay makabibili na sa non-government organization na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement ng P38 kada kilo ng bigas sa buong bansa.