Posibleng maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado bago matapos ang taon.
Batay kay Samahang Industriya ng Magsasaka Chairman Rosendo So, maaaring sa buwan ng Nobyembre o Disyembre pa magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas.
Sa kasalukuyan, sumipa na sa 40 pesos kada kilo kung saan ito na ang pinakamurang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Samantala, simula bukas Hulyo 10 makabibili sa non-government organization na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement na nagkakahalagang 38 pesos kada kilo ng bigas sa buong bansa.