Nagbabala ang International Rice Research Institute o IRRI na posibleng tumaas ng 10 hanggang 20 porsyento ang presyo ng bigas.
Ito’y dahil sa epektong dulot ng papasok na El Niño phenomenon na siyang lubhang makaaapekto sa ani ng mga magsasaka.
Batay sa pag-aaral ng IRRI, posibleng maglaro sa P28.50 hanggang P31 pesos ang kada kilo ng regular milled rice na mas mataas ng P2.50 hanggang P5 pesos mula sa kasalukuyang presyo nito na P26 pesos.
Ayon kay Dr. Samarendu Mohantay, Chief Economist ng IRRI, bukod sa Pilipinas, maaari ring ganito ang maranasan ng mga bansang Indonesia at India sa sandaling tamaan na ng kalamidad dahil sa tagtuyot.
Kasunod nito, ipinag-utos na ni Pangulong Noynoy Aquino sa National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng mas maraming bigas upang mapunuan ang pinangangambahang kakulangan sa suplay nito sa panahon ng pananalasa ng El Niño.
By Jaymark Dagala