Nagbabadyang tumaas ng P1 kada kilo ang presyo ng commercial rice sa mga susunod na araw.
Ayon kay Angel Imperial Jr., tagapagsalita ng National Food Authority o NFA, normal lamang na tumaas ng P1 hanggang P3 piso ang bawat kilo ng bigas tuwing papalapit ang lean season na tumatagal ng tatlong buwan.
Aminado si Imperial na taun-taon ay nakararanas ng pagnipis sa suplay ng bigas kapag tapos na ang pag-aani at muli nang papasok sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka.
Idinagdag pa ni Imperial na ito rin ang dahilan kaya kinakailangang mag-angkat ang NFA ng 250,000 tonelada ng bigas.
By Meann Tanbio