Maaaring sumirit ang presyo ng bigas ngayong buwan.
Ayon sa grupong sinag, posibleng tumaas pa ng ₱2 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice ngayong linggo.
Dagdag pa ng grupo, maaari umabot sa ₱54 hanggang ₱56 ang presyo ng kada kilo nito.
Ito’y dahil pumalo na sa ₱31.50 kada kilo ang farmgate price ng palay, at umabot na sa ₱52 hanggang ₱53 ang presyo ng kada kilo ng imported na bigas sa world market.
Tiniyak naman ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa na parating na ang karagdagang 495,000MT imported na bigas sa Pilipinas na layong masiguro na magiging sapat ang supply nito.
Dagdag pa ni Asec De Mesa, pinag-aaralan na rin nila ang paglalagay ng suggested retail price sa bigas. - sa panulat ni Charles Laureta