Kahit humupa man ang inflation, hindi pa rin maawat ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin, lalo ng bigas.
Sa pag-iikot ng Metro Patrol sa ilang palengke sa Metro Manila, P1 .00 – P3.00 ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng bigas.
Dahil dito, bihira na ring makabili ng P39.00 – P40.00 na bigas sa ilang pamilihan sa Valenzuela City habang nasa P41.00 – P 43.00 ang average price ng bigas sa Caloocan City.
Namemeligro namang magmahal pa ang bigas sa mga susunod na buwan sa gitna nang nagbabadyang epekto ng El Niño Phenomenon, partikular sa sektor ng agrikultura.
Gayunman, naniniwala si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Director Jayson Cainglet na sobra pa ang supply ng bigas, maging ng baboy, manok at iba pang basic commodities sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ito’y kahit tumigil ang ilang magsasaka na magtanim dulot ng El Niño.