Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa batay sa price monitoring ng PSA o Philippine Statistics Authority.
Ayon sa PSA, P5.00 ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng special rice sa Metro Manila dahil sa mababang suplay nito sa mga pamilihan.
Gayunman, nakapagtala naman ng dalawang Pisong pagbaba sa presyo ng kada kilo ng well milled rice sa lungsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija na itinuturing namang rice bowl ng bansa.
Bagay na kinumpirma naman ng ilang rice dealers na nagsabing tumaas ng P20 hanggang P30 kada sako ng bigas o katumbas ng P0.50 sentimos na taas presyo sa kada kilo nito.
Dagdag pa ng mga rice dealers, dahil sa maliit lamang kung tutuusin ang naging pagtaas sa presyo ng bigas, minabuti nilang huwag na lamang iyon ipasa sa mga konsyumer.
—-