Kasabay ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, muling tumaas ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Quezon City, hanggang dalawang piso ang idinagdag sa kada kilo ng regular well-milled rice o P38 mula sa dating P36 habang ang well-milled rice ay nasa P40 hanggang P42 mula sa dating P38 hanggang P39.
Limang piso naman ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng bigas sa Maynila tulad sa trabaho market sa Sampaloc o P40 na ang kada kilo ng regular well-milled mula sa dating P35 habang ang well-milled rice ay papalo na sa P42 kumpara sa dating P38 kada kilo.
Inihayag naman ng samahang industriya ng agrikultura na isa sa mga posibleng dahilan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa world market habang kapos na rin ang supply ng local rice at sa Oktubre hanggang Nobyembre pa ang anihan ng palay.—sa panulat ni Drew Nacino