Hindi muna magtataas ng presyo ng bigas ang Quinta Market sa Quiapo, Maynila.
Ayon Kay Marilyn Reyes, Presidente ng Vendor’s Association ng Quinta Market, umabot na sa P10 hanggang P30 ang dagdag sa presyo ng bigas sa kanilang supplier.
Ito ay epekto umano ng oil price hike kung saan nadagdagan anila ang gastos sa transportasyon mula sa mga probinsya patungong Metro Manila.
Samantala, sinabi ng mga nagtitinda sa naturang pamilihan na malaki ang bawat nito sa kanilang kita kaya’t hindi muna nila gagalawin ang presyo ng bigas bilang malasakit sa mga mamimili. – sa panulat ni Airiam Sancho