Target ng gobyerno na maibaba ang presyo ng bigas sa bansa hanggang P35/kilo.
Ayon kay Finance Asst. Sec. Tony Lambino, ang pagbaba ng presyo ng bigas ay inaasahang epekto ng Rice Tariffication Law.
Aniya lubha na kasing naaapektuhan ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang antas pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa katunayan umano napupunta sa bigas ang 20% sa kinikita ng low income households.
Gayunman, sinabi ni Lambino na mahirap pa sa ngayon sabihin kung kailan eksakto maaabot ng gobyerno ang nasabing presyo ng bigas.