Walang dahilan upang taumaas ang presyo ng bigas lalo’t may sapat na supply nito.
Ito ang iginiit ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos lumabas ang ulat ng Philippine Statistics Authority na kanilang na-monitor ang pabago-bagong presyo ng bigas sa National Capital Region at iba pang lugar.
Possible anyang middlemen o mga bumibili mismo ng palay sa mga magsasaka kaya’t tumaas ng lima hanggang sampung Piso ang bawat kaban ng bigas.
Sa katunayan tumaas pa ang local production ng palay sa 95.1 percent ng total national requirement kumpara sa 89 percent noong nakaraang taon kaya’t nakapagtataka ang naging galaw sa presyo.