Nilinaw ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay bunsod ng ilang taong COVID-19 lockdowns at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Dahil dito, sinabi ni PAGASA President Steven Cua sa panayam ng DWIZ na humina ang demand at tumaas ang cost of production ng mga manufacturer.
Dagdag pa ni Cua na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa loob ng mahigit 20 taon ay mayroong konseho na tinawag na National Price Coordinating Council na nakabantay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.