Nagtaas ang presyo ng mga bilog na prutas sa mga pamilihan.
Ayon sa mga tindera sa Divisoria sa Maynila mas mataas ang presyo ng mga kinukunsiderang pampaswerte na prutas, kumpara nung nakaraang taon.
Narito ang mga presyo ng ilang prutas sa Divisoria
- Kiat-kiat P1,000kada crate (dating 700 pesos),
- Peras P20 kada piraso (dating 10 piso),
- Dragon fruit P100 kada piraso (70 pesos),
- Apple P20 kada piraso,
- Ponkan P10kada piraso,
- Orange 35 pesos kada piraso,
- Persimon 45 pesos kada piraso,
- Grapes 160 kada kilo,
- samantala ang seedless na grapes ay nagkakahalaga ng P180 kada kilo, Chico P100 kada kilo, Dalandan P40 kada kilo at
- pomelo na P100 kada piraso
Mas mataas naman ang presyo ng mga bilog na prutas sa mga pamilihan na malayo sa bagsakan nito. Dahil dito kanya-kanyang diskarte ang mga mamimili para makapagtipid.
Inaasahan namang mas tataas ang presyo ng mga naturang prutas habang papalapit ang bagong taon dahil sa kakulangan ng supply. —sa panulat ni Mara Valle