Balak gawing prayoridad ngayon ng NFA o National Food Authority ang pagbili ng bigas sa mga lokal na magsasaka.
Iyan ang inihayag ni NFA Administrator Jason Aquino makaraang imungkahi nito sa NFA council na itaas sa dalawampu’t limang piso ang binibili nilang bigas sa mga lokal na magsasaka mula sa labimpitong piso kada kilo.
Ayon kay Aquino, magiging daan aniya ito para makipagkumpitensya ang mga lokal na magsasaka sa mga inaangkat na bigas ng bansa.
Nakalulungkot kasi aniyang kakaunti lamang ang suportang kanilang nakukuha mula sa mga local farmers dahil sa baba ng presyo ng kanilang binibiling bigas sa mga ito.