Asahan na simula ngayong buwan sa mga pamilihin ang mas murang brown rice.
Ito’y makaraang magkasundo ang Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute at National Food Authority upang isulong ang brown rice consumption sa pamamagitan ng pagtapyas sa presyo nito.
Ayon kay DA-PHILRICE “Be Riceponsible” campaign Director Hazel Antonio, sa ilalim ng “brown4good” project, maaari ng mabili sa mga NFA retail store sa presyong P37 pesos kada kilo ang brown rice na karaniwang nasa P50 hanggang P80 pesos kada kilo.
Layunin ng proyekto na maging malusog ang bawat Filipino at mawakasan ang malnourishment lalo’t ang nasabing uri ng bigas ay mas masustansya kaysa sa white rice.
By Drew Nacino