Tumaas na ang presyo ng mga ibinebentang buko sa mga pamilihan, ilang araw bago ang pasko.
Batay sa monitoring sa presyo ng buko sa Kamuning Market, mabibili na ito sa P35 kada piraso mula sa dating P27.
Ayon sa ilang mga tindera, kumonti ang dumating na suplay ng buko mula Southern Luzon bunsod na rin ng naging epekto ng pananalasa ng bagyong Tisoy.
Maliban pa rito, tumaas na rin anila ang demand sa buko habang papalapit na ang pasko at bagong taon.
Isa ang buko sa mga pinakamabiling prutas tuwing kapaskuhan dahil ito ang pangunahing sangkap sa paggawa ng buko salad.