Inaasahang tataas pa ng 50% ang presyo ng mga bulaklak sa Valentine’s Day, bukas, Pebrero 14.
Batay na rin ito sa pataya ng mga nagtitinda ng bulaklak bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng demand nito gayung kulang ang suplay.
Anila, konti lamang ang nagtanim ng mga bulaklak nitong nakalipas na mga buwan dahil na rin sa mahinang kita.
Sa katunayan, tumaas na rin ang presyo ng ilang bulaklak, dalawang araw bago ang araw ng mga puso o kahapon.
Sa Dangwa Flowermarket sa Maynila, umaabot na sa P1,500 ang halaga ng isang bundle o dalawang dosena ng roses habang P100.00 naman ang kada piraso nito.
Umaabot naman sa P200.00 kada piraso ang presyo ng imported na Ecuadorian roses habang nasa P300.00 naman ang kada bundle ng dried flowers.