Umaaray ang ilan sa mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, Maynila dahil sa mahinang bentahan ngayong mismong Araw ng mga Kaluluwa.
Ayon sa mga ito, di hamak na mas malakas ang benta ng bulaklak nuong nakaraang taon.
Mas marami din anila ang tao noong nakaraang Undas kumpara ngayong araw dahil na rin marahil sa malakas na pagbuhos ng pag-ulan.
At dahil nga sa matumal na bentahan, bumaba na ang presyo ng ilang bulaklak.
Ang carnation na dating nasa 130 pesos ay mabibili na lamang ngayon sa 100 pesos kada dosena.
Bumaba naman ng sampung piso ang kada tangkay ng gerbera na nasa 170 pesos na lamang ngayon.
Ang paper roses naman na dating 680 pesos ay nasa 650 pesos na lamang ngayon.
Para sa mga nagnanais naman ng flower arrangement, nasa 80 hanggang 500 pesos na lang po yan mula sa dating 100 hanggang 700 pesos.
Samantala, nananatili namang nasa 130 pesos ang stargazer habang ang Malaysian mums ay nasa 80 hanggang 150 pesos.
—-