Bahagyang tumaas ang mga presyo ng bulaklak sa Dangwa, ilang linggo bago mag-undas.
Pinaghahandaan na ng ilang manininda ng bulaklak ang posibleng pagdami ng mga mamimili sa huling linggo ng Oktubre kasunod ng pagluwag ng protocol kontra COVID-19.
Narito naman ang presyo ng ilan sa mga binibentang bulaklak:
Nasa 100 hanggang 2,500 pesos ang presyo ng flower arrangement;
- 80 hanggang 150 pesos per bundle ang radus;
- 150 pesos per bundle ang malaysian mums;
- Nagkakahalaga naman ng 150 pesos kada anim na piras ang jimba;
- 220 pesos kada sampung piraso ang carnation;
- 250 pesos ang isang dosena ng local rose habang 1,200 naman kada dalawampung piraso ng imported rose.
Posible pa anila itong tumaas habang papalapit ang undas. – sa panulat ni Hannah Oledan