Nagsimula nang tumaas ang presyo ng bulaklak sa Dangwa market, sa Sampaloc, Maynila, kasabay ng pagdami ng mga bumibisita sa mga sementeryo bago ang undas.
Nasa P150 na ang kada tangkay ng stargazer mula sa dating P150; anthurium, 700 mula sa dating P350 kada bundle; angel’s breath, 250 kumpara sa dating P200 kada bundle;
Red rose, 200 per dozen mula sa dating habang P150 ang white rose; chrysanthemum, P300 kada dose na; gerbera, P250 kada 10 piraso at orchids, P600 kada bundle habang P750 kung basket arrangement.
Kabilang sa mga dahilan ng bahagyang pagsirit ng presyo ng mga bulaklak ang pagtaas ng presyo ng oil products.
Bagaman sapat pa sa ngayon ang supply, posible pang tumaas ang presyo ng bulaklak sa mga susunod na araw dahil sa inaasahang paghabol ng mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay hanggang Huwebes.—sa panulat ni Drew Nacino