Nag-triple na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa flower market sa Maynila kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Hanggang kahapon ay aabot na sa 250 hanggang 300 pesos ang kada piraso ng local rose mula Baguio City kumpara sa dating 100 pesos habang 1,100 pesos ang kada bouquet mula sa dating 400 hanggang 500 pesos.
Ayon sa ilang flower vendor, posible pang tumaas ang presyo ngayong mismong araw ng mga puso.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Dangwa, bukod sa rosas ay mabenta rin tuwing Valentine’s Day ang Tulips na aabot sa 2,800 pesos pataas ang kada boquet habang ang sunflower ay nasa 200 hanggang 300 pesos kada tangkay.
Pinayuhan naman ng mga vendor ang publiko, lalo ang mga nagtitipid na bumili na lamang matapos ang Valentine’s Day.