Posibleng tumaas ang presyo ng bulaklak sa darating na Undas.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Consumer Protection Victorio Dimagiba, ito ay dahil sa naapektuhan ng bagyo ang Benguet na pangunahin nagsusuplay ng bulaklak sa bansa.
Maliban dito, makakaapekto rin sa presyo ng bulaklak ang pahirapang pagbiyahe sa mga ito patungong Maynila bunsod ng pinsalang iniwan ng bagyo.
“Kung gaano katinding ulan sa Benguet, maulan daw po sa Baguio kahapon, so kung umulan daw po ng halos isang araw na hindi matigil, ang expectation nila yung ihahango na bulaklak medyo mataas ang presyo nun.” Ani Dimagiba.
Para naman sa presyuhan ng kandila, ikinatuwa ni Dimagiba ang marami nang brand ngayon ng kandila sa merkado kung saan ay makakapamili ng husto aniya ang mga mamimili ng kandilang swak sa kanilang budget at batay sa kanilang pangangailangan.
“Alam niyo naman ang ma-aaford ng karamihan ng ating mga consumers ang ating binibigyan ng pansin sa pagpapairal po ng SRP, mura po at marami silang pagpipilian, siguro there are 10 to 15 brands ng kandila na puwede nating pagpilian na pinakamura, sa mga nakaka-afford yung mga sinasabi niyo na mabango na at may sariling baso na.” Pahayag ni Dimagiba.
By Ralph Obina | Kasangga Mo Ang Langit