Nananatiling sapat ang suplay ng mga bulaklak mula sa Norte ngayong Valentine’s Day.
Ito ang pagtitiyak ng mga cut-flowe growers at vendors ng La Trinidad sa Benguet ngayong mataas na ang demand para rito.
Batay sa monitoring ng DWIZ sa Dangwa sa Maynila, naglalaro sa 450 hanggang 500 ang kada dosena ng rosas habang nasa 170 hanggang 180 pesos ang kada sampung (10) piraso ng gerbera.
Mabibili naman ang tulips ng nobenta (P90) hanggang isandaang piso (P100) ang kada piraso habang nasa 130 hanggang 150 pesos ang kada piraso ng stargazer.
Naglalaro naman mula 170 hanggang 180 ang kada bundle ng carnation, nasa 500 pesos naman ang kada bundle ng orchids habang nasa 150 naman ang kada piraso ng sunflower.
May mabibili ring assorted flowers na nagkakahalaga ng 150 pesos habang ang arranged assorted flowers ay nagkakahalaga naman ng 300 hanggang 600 pesos.
By Jaymark Dagala | Report from Jopel Pelenio (Patrol 17)