Umaabot na sa P10 kada kilo ang ibinebentang Carrots ng ilang magsasaka sa La Trinidad, Benguet.
Ayon sa kanila, walang bumibili sa alok nilang gulay kaya nagpasya silang ibenta na ito sa mababang halaga.
Nabatid na una na ring sinabi ng League of Associations sa La Trinidad vegetable trading areas na matumal ngayon ang bilihan ng Carrots.
Bunsod ito ng patuloy na smuggling ng gulay partikular ang Carrots na nakakaapekto sa maraming magsasaka.