Patuloy ang pagtaas ng presyo ng commercial rice sa kabila ng pagkakaroon ng NFA rice sa merkado.
Sa Kamuning Market sa Quezon City, piso ang itinaas sa kada kilo ng lahat ng uri ng commercial rice.
Ayon sa mga tindero, nagtaas ng singkwenta pesos (P50) kada sako ang mga supplier ng bigas kaya’t ipinasa lamang nila ito sa mga mamimili.
Inamin naman ng National Food Authority o NFA na hindi pa nakakaimpluwensya ang NFA rice sa merkado dahil limitado pa lamang ang suplay nito sa merkado.
Ayon sa NFA, naantala lamang ang pagbababa ng bigas at pamamahagi nito sa merkado dahil sunod-sunod na masamang panahon.
—-