Nagbabadyang tumaas ng hanggang tatlong Piso ang presyo ng commercial rice sa sandaling maubos nang ganap ang suplay ng NFA o National Food Authority.
Ayon sa isang grupo ng mga retailers, maliban sa TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion, tiyak na sasamantalahin din ng ilang mga rice dealers ang kakapusan ng NFA rice para makapagtaas ng presyo.
Batay sa datos ng NFA, mayruong isa punto dalawang milyong sako na lamang ng NFA rice nasa kamalig nito na tatagal na lamang ng 35 araw.
Kasunod nito, nanawagan si Senadora Cynthia Villar na Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.
Posted by: Robert Eugenio