Nadiskubre ng Department of Agriculture (DA) na hindi tugma ang presyo ng commercial rice sa ilang pamilihan sa farmgate price ng palay.
Ayon kay DA Consultant for Rice Program Valentino Perdido, ang buying price ng bigas ay P13.68 kada kilo para sa sariwa habang P17.05 kada kilo para sa tuyo.
Paliwanag ni Perdido, ibinabatay ang presyo ng palay kung magkano ang magkano ang bigas at inihati ito sa dalawa.
Lumalabas umano na kung nasa P17/kilo ang dry rice ay dapat nasa P34/kilo ang sa bigas.
Ngunit dahil aniya sa iba pang gastos ng mga nagnenegosyo ng bigas, naapektuhan din ang presyo nito.
Samantala, tiniyak naman ni Agriculture Secretary William Dar na muli nilang pararamihin ang suplay ng NFA rice sa mga pamilihan para bumaba ang presyo ng commercial rice.