Tiniyak ng Malakaniyang na magbabalik na sa normal ang suplay ng bigas sa sandaling dumating na ang mahigit 300 toneladang bigas na inangkat ng NFA o National Food Authority.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak din aniyang bababa ang presyo ng mga commercial rice dahil matatapatan na ng NFA Rice ang presyo nito sa mga pamilihan.
Maliban sa mga paparating na inangkat na bigas ayon kay Roque, may nakabinbin pa aniyang 250,000 metriko toneladang bigas na naghihintay lamang ng go signal para ipadala sa bansa.
Una nang ipinabatid ni Roque ang pahayag ni Cabinet Secretary at NFA Council Chair Leoncio Jun Evasco Jr na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa kabila ng mga ulat hinggil sa umano’y kakapusan ng suplay ng NFA Rice.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio