Tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng commercial rice sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Napuna ito sa monitoring ng mga presyo ng DWIZ Bantay Palengke.
Hindi masabi ng mga rice retailers kung bakit tumaas ang kuha nila sa kada kaban ng bigas na ipinasa lamang nila sa mga mamimili.
Ang pagtaas ng presyo ng commercial rice ay kasabay ng kumpirmasyon ng National Food Authority (NFA) na ubos na ang NFA rice para sa Metro Manila.
—-