Nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang mga produktong de lata sa mga pamilihan partikular na ang sardinas.
Bunsod ito ng sunud-sunod na oil price hike nitong mga nakalipas na linggo gayundin ang patuloy na pagsadsad ng halaga ng piso kontra sa dolyar na siyang dahilan ng pagtaas ng tin can o lata.
Ayon sa DTI o Department of Trade and Industry, tumaas na ng beinte singko sentimos (P0.25) ang halaga ng bawat lata ng sardinas batay sa kanilang price monitoring.
Maliban sa sardinas, nagtaas na rin ng presyo ang ilan pang pangunahing bilihin tulad ng sabon, powdered milk, biskuwit, kendi, disinfectant na karaniwang ginagamitan ng lata.
By Jaymark Dagala