Tanging ang kerosene ang saklaw ng ipinatutupad na price freeze sa Mindanao.
Ayon sa Department of Energy, epektibo ang price freeze sa Kerosene hanggang sa Hunyo 17 o 15 araw mula nang ideklara ang Martial Law.
Hindi naman sakop ng price freeze ang Diesel at Gasolina, alinsunod sa Republic Act Number 10623.
Una nang nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry sa mga pangunahing bilihin sa Mindanao kung saan sakop nito ang Regions 9, 10, 11, 12 at CARAGA.
By: Meann Tanbio