Umarangkada na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Cleanfuel, Pilipinas Shell, Seaoil, Jetti Petroleum, Unioil, at Caltex, umabot sa ₱0.10 ang pag-akyat sa presyo ng kada litro ng diesel, habang nasa ₱0.85 ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Wala namang paggalaw sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Paliwanag ng mga industry player, ito’y hinggil sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng anunsyo ng United States Federal Reserve na hindi na nila itataas ang interest rate sa mga susunod na buwan.
Bumagal din ang inflation, kaya naging mas positibo ang pananaw sa merkado na lalakas ang demand sa langis. - sa panulat ni Charles Laureta