Abiso sa mga motorista!
Malakihang oil price hike ang naghihintay sa mga motorista ngayong darating na Martes.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, posibleng pumalo sa P6 hanggang P6.30 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
Madaragdagan naman ng P1.20 centavos hanggang P1.40 centavos ang kada litro ng gasolina.
Samantala, ang kerosene ay tataas din ang presyo na posibleng maglaro sa P3.50 centavos hanggang P3.70 centavos kada litro.
Matatandaang una rito, sinabi ni Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na ang malaking dagdag-presyo ay dahil sa desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng langis ng dalawang milyong bariles kada araw.