Dahil sa tumataas na demand, dumoblena ang presyo ng mga N-95 face mask sa lalawigan ng Cebu.
Sa harap na rin ito ng mga ulat ng mapanganib na smaze o pinaghalong smoke at haze mula Indonesia na siyang nakaaapekto ngayon sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Cebu Councilor Dave Tumulak na siya ring Chairman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa P105 ang presyo ng N-95 face mask mula sa dating P55 pesos lamang.
May mga ulat na rin aniyang nagkakaubusan na ang suplay at hoarding ng mga suppliers upang pataasin pa ang presyo nito.
By Jaymark Dagala