Nanatili paring mataas ang presyo ng galunggong sa merkado.
Sa huling market monitoring ng Department of Agriculture, nananatili sa P200 ang presyo sa kada kilo ng galunggong.
Aabot naman sa P240 o higit pa ang presyo sa kada kilo ng galunggong sa ilang mga pamilihan.
Ayon sa Food Security Advocacy Group, matatandaang nag-angkat ang pamahalaan ng nasa 60,000 metric tons ng naturang isda.
Layunin nitong masuportahan ang kulang na suplay dahil sa closed fishing season. —sa panulat ni Angelica Doctolero