Inihayag ng ilang mga ospital na maging ang presyo ng gamot ay tumaas na rin.
Ito ay bunsod ng walang prenong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay National Kidney and Transplant Intitute (NKTI) Dra. Rose Marie Liquete, may ilang mga ospital at pharmacy ang nag-increase sa presyo ng kanilang mga gamot matapos maapektuhan ng dagdag-singil sa presyo ng langis.
Umaasa ang mga ospital na masosolusyonan ng gobyerno ang isa sa pangunahing problema ng bansa upang hindi maapektuhan maging ang mga pasyente.