Umarangkada na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, aabot sa ₱0.30 ang pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang nasa ₱0.20 naman ang umento sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Magkakaroon naman ng ₱0.30 na rollback sa presyo ng kada litro ng diesel.
Sinasabing ang oil price adjustment ay dulot ng paggalaw sa presyuhan ng petrolyo sa nagdaang mga araw.
Matatandaang, noong nakaraang linggo nagkaroon ng ₱0.30 na pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel, habang ₱0.65 naman sa kada litro ng kerosene, at walang nangyaring paggalaw sa presyo ng gasolina. - sa panulat ni Charles Laureta