Ayon sa kumpanya ng langis, maaaring umakyat ng ₱0.04 ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang posibleng pumalo sa ₱0.60 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Maaari ring umabot sa ₱0.09 ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Matatandaang noong Martes, walang nangyaring paggalaw sa presyo ng gasolina, habang tumaas naman ang presyo ng kerosene sa ₱0.65 kada litro, at umakyat din ang presyo ng diesel sa ₱0.30 kada litro dulot ng plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries na magbawas ng produksyon ng langis. - sa panulat ni Charles Laureta