Lalong nagmahal ang mga produktong petrolyo sa bansa, isang araw matapos ilarga ng mga kumpanya ng langis ang kanilang ika-walong sunod na linggong price hike.
Halimbawa na lamang sa Puerto Princesa City, Palawan, sumampa na sa 80 pesos ang kada litro ng gasolina habang 66 pesos ang kada litro ng diesel.
Nilinaw naman ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na mataas ang distribution cost sa Palawan dahil isa itong isla kaya’t mataas din ang operating cost.
Magastos anya ang pag-bibiyahe ng mga produktong petrolyo sa naturang lalawigan at maaaring walang kakumpitensya sa isang partikular na lugar ang ilang gasoline station kaya’t mataas ang presyo ng mga ito.
Ang walang patid na price increase ay pinalala pa ng nagbabadyang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, na isa sa mga pangunahing oil producing country.