Sumampa na sa pinakamataas na antas ang presyo ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), limampu’t walong piso at limampung sentimos (P58.50) hanggang animnapu’t dalawang piso at pitumpung sentimos (P62.70) kada litro naglalaro ang presyo ng gasolina.
Kung susumahin ay magreresulta ito ng “common price” na animnapung piso at animnaput limang sentimos (P60.65) kada litro.
Sinabi ng DOE na mas mataas ito kumpara sa naitalang presyo ng gasolina noong Hulyo 2008 na pumalo sa animnapung piso at apatnapu’t anim na sentimos (P60.46)
Hindi pa naman nalalagpasan ng kasalukuyang presyo ng diesel ang naitalang pinakamataas na presyo ng diesel noong Agosto 2008 na nagkakahalaga ng limampu’t walong piso at siyamnapung sentimos (P58.94)
Una rito, sa ika-walong pagkakataon nagpatupad noong Martes ang mga kumpaniya ng langis ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
—-