Epektibo na ngayong araw ang ika-limang sunod na linggong bawas singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpaniyang Pilipinas Shell, Chevron Philippines o Caltex, Flying V, at Seaoil Philippines, kanilang ipatutupad ang P.75 centavos na dagdag-singil sa kada litro ng gasolina; P.60 centavos ang magiging tapyas singil sa kada litro ng diesel, at P.75 centavos naman ang magiging bawas singil sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad din ang Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, at PTT Philippines ng parehong presyo pero hindi kasama ang kerosene.
Nagsimula ang panibagong price adjustment kaninang alas-6 ng umaga maliban sa kumpaniyang Caltex na una nang nagpatupad alas-12 kaninang madaling araw habang magpapatupad naman mamayang alas-8 ng umaga ang kumpaniyang Cleanfuel.
Sa ngayon ang year-to-date adjustments sa kada litro ng gasolina ay pumalo na sa P18.90 centavos; P32.95 centavos naman sa kada litro ng diesel; habang P28.5 centavos naman sa kada litro ng kerosene.