Aabot sa lima punto apat na Milyong Piso na halaga ng mga gulay mula sa La Trinidad Bengue ang labis na napinsala.
Ito’y ayon sa liga ng mga asosasyon sa La Trinidad Trading Post ay dahil sa hailstorm o pag-ulan ng tipak – tipak na yelo sa lalawigan ng Benguet nuong isang Linggo.
Dahil dito, ibinabala ni Agosta Balanoy, tagapagsalita ng asosasyon na posibleng sumipa ang presyo ng gulay na ibinabagsak mula sa kanilang lugar patungo sa Metro Manila sa susunod na buwan.
Nakatakda na sanang anihin sa susunod na buwan ang mga naturang gulay subalit marami na sa mga ito ang hindi na mapakikinabangan dahil nasira na ang mga ito.