Asahan na ang pagbaba ng presyo ng gulay sa mga susunod na linggo.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo ay mararamdaman na anila ang pagmurang muli ng presyo ng gulay sa mga pamilihan.
Ipinaliwanag ng DA na karaniwan naman kasing nagiging mababa ang presyuhan ng gulay tuwing sasapit ang summer o panahon ng tag-init.
By Ralph Obina