Tumaas ang presyo ng ilang gulay, karne ng baka, manok at isda sa mga pamilihan.
Batay sa monitoring sa Tandang Sora Market, tumaas ng P10 hanggang P40 ang presyo ng sibuyas, talong, sigarilyas at repolyo.
Sampung piso naman kada kilo ang itinaas sa presyo ng karne ng manok kung saan mula 150 pesos ay naging 160 pesos na kada kilo.
Tumaas naman ng 50 pesos ang karne ng baka mula sa 280 pesos ay naging 330 pesos kada kilo.
Itinuturo namang dahilan sa pataas ng presyo sa karne ng baka ang ipinatutupad na ban sa pag-aangkat ng karne ng baka mula Brazil dahil sa salmonella.
Namonitor din ang pagtaas sa presyo ng sapsap mula 280 pesos kada kilo ay naging 280 pesos.
Gayundin ang maya-maya na nasa 480 pesos na kada kilo mula sa dating 380 pesos habang sampung piso ang itinaas ng bangus mula 140 pesos ay naging 150 pesos kada.
Paliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Division Head Malvas, ang pagtaas sa presyo ng ilang isda ay dulot ng lagay ng panahon at transportasyon.
—-