Apektado na rin ng coronavirus disease (COVID-19) ang demand sa mga highland vegetables o mga gulay na nagmumula sa Benguet, Mountain Province at Ifugao.
Ayon kay Agot Balanoy, General manager ng isang kooperatiba ng mga magsasaka sa Benguet, normal na tuwing first quarter ng taon ay mababa ang demand sa mga highland vegetables dahil walang masyadong crowd drawing events sa ibang bahagi ng bansa.
Gayunman, sinabi ni Balanoy na mas pinalala ng isyu ng COVID-19 ang presyuhan sa mga gulay bagamat sa ngayon ay walang over supply.
Ang isyu aniya ng COVID-19 ang bagong dahilan nang pagbaba ng presyo ng highland vegetables dahil mismong buyers mula lowlands ang nagsabing bumaba rin o nasa 25 na lamang ang demand ng mga sinusuplayan nilang establishments gaya ng mga hotel at restaurants dahil kakaunti rin ang mga customer.
Ipinabatid ng vegetable buyers na kakaunti na ang mga turista sa mga tourist destinations na isa sa mga sinu suplayan ng mga ito.