Tumaas pa ang presyo ng gulay partikular ang mga nagmumula sa Cordillera, Ilocos at Cagayan Valley regions matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Mega-Q Mart at Balintawak Market sa Quezon City, 250 pesos na ang kada kilo ng repolyo mula sa dating 140 pesos; carrots, 250 kada kilo mula sa dating 180 pesos; sayote, 140 kada kilo mula sa dating 80 pesos; pechay baguio, 250 hanggang 300 pesos mula sa dating 180 pesos kada kilo; siling labuyo na bumalik sa 1,000 pesos kada kilo mula sa dating 600 pesos; kalamansi, 100 pesos mula sa dating 60 pesos kada kilo.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, asahan na ang paggalaw ng presyo ng gulay dahil matindi ang pinsalang idinulot ng bagyo sa agricultural sector sa Northern Luzon.
Sa kabila nito, naglatag na aniya sila ng contingency plan kabilang ang pagdating sa Luzon ng vegetable shipment mula Bukidnon.
—-