Tumaas ang presyo ng ilang gulay mula sa mga lugar na binayo ng bagyong Karding partikular sa Nueva Ecija gayundin sa Baguio City.
Ayon sa nagtitinda , bukod sa mahal na ang ibang gulay tulad ng sitaw na nasa P 150 na mula sa P 70 kada bungkos , ay maliliit at hindi pa maganda ang kalidad.
Nasa P 75 naman ang kada kilo ng talong , P 80 ang kilo ng ampalaya, P 60 ang kilo ng okra at P 140 ang kada kilo ng siling panigang.
Mahigit doble naman sa ngayon na nasa P 380 mula sa dating P 150 ang kilo ng siling labuyo, P 130 ang kamatis, P 100 ang kilo ng liya at P 50 ang kilo ng kalamansi.
Ilang vendors naman ang kumukuha ng gulay sa mga lugar na hindi masyadong binayo ng bagyong Karding tulad ng Batangas.
Ang carrots kada kilo ay P 130 at P 65 ang patatas at bumaba ang presyo ng bell pepper sa P 200 kada kilo mula sa P 240 at P10 naman ang nabawas sa presyo ng kada kilo ng repolyo na ngayo’y nasa P 65 na lamang.
Samantala ..Sampung piso naman ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng karneng baboy kung saan ang pork chop at kasim ay nasa 260 kada kilo, liempo ay 290 pesos, butro buto ay 210 pesos at 200 pesos naman ang kada kilo ng para.
Sa karneng manok naman , bumaba sa P 160 ang kilo mula sa P 170.