Muling tumaas ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa pananalasa ng supertyphoon Lawin.
Dumoble na ang presyo ng gulay sa Commonwealth Market, Quezon City gaya ng patatas na ngayo’y P80 na mula sa dating P40; repolyo P60 mula sa dating P30 pesos; baguio beans P101 na kada kilo mula sa dating P50; carrots P80 mula sa dating P40; sibuyas P100 na mula sa dating P60; kamatis na noo’y P40 kada kilo ay P60 kada kilo na ngayon at siling pang-sigang P120 na mula sa dating P60.
Tumaas naman ng P10 hanggang P30 ang presyo ng mga gulay sa Balintawak at Kamuning Market.
Ipinaliwanag ni Agriculture Assistant Secretary Leandro Gazmin na ang pagkasira ng mga kalsada sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa northern Luzon ang dahilan kaya’t hirap ang mga mag-gugulay na magbagsak ng produkto sa Metro Manila.
By Drew Nacino