Posibleng tumaas ang presyo ng gulay dahil sa epekto na iniwan ng bagyong Maring sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na sadyang tataas ang presyo matapos sirain ng bagyong Maring ang mga lupang pansakahan sa Northern Luzon.
Batay sa huling tala, nasa halos P 2-B na halaga ang danyos na iniwan ng bagyong Maring at nasa 56K naman ang naapektuhang magsasaka at mangingisda at 68 hektaryang lupain ang nasira.
Ipinabatid naman ni Evangelista na naghahanap ang Agriculture Department ng alternatibong source ng mga gulay upang masigurong hindi masyadong gagalaw ang presyo ng gulay para sa mga konsyumer.