Pinangangambahang tumaas sa P7 kada kilo ang presyo ng baboy sa mga darating na araw bunsod ng nakaambang pork holiday na ikinasa ng Swine Development Council.
Nalulugi umano ng mga ito sa patuloy na pagiging maluwag ng Department of Agriculture sa pagpasok ng mga imported na karne sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na paiigtingin nila ang pagbabantay sa presyo ng baboy dahil malamang na samantalahin ng mga nagtitinda ng karne ng baboy ang pagtataas ng presyo dahil sa banta ng pork holiday ng mga local hog raisers.
Ayon sa DA, idadaan ang isyu sa mabuting usapan at nagtakda na sila ng dialogo sa naturang grupo at ilan pang local hog raisers upang huwag maisakripisyo ang mga mamimili.
Posibleng tumaas din ang presyo ng gulay, rekado at prutas sa disyembre bunsod ng nagdaang bagyong ‘Lando’ at El niño phenomenon.
Ayon kay Department of Agriculture Asec. Leandro Gazmin, sa ganitong season nasasagad ang stock ng sibuyas, bawang at kamatis lalo na’t sinalanta ng bagyo ang Isabela at Nueva Ecija kung saan nanggagaling ang majority produce ng mga panrekado.
By: Mariboy Ysibido